Sa pamamagitan ng dual-SIM feature ng isang cellphone, nagagawa nitong kumonekta sa dalawang network ng sabay anupat nakatatanggap ng call at text ang bawat SIM. Nakatutuwang malaman na isa na rin ngayon ang Nokia sa mga mobile phones manufacturer na gumagawa ng mga dual-SIM cellphones. Sa katunayan, ang Nokia 101 ay ang pang-limang dual-SIM phone na ini-release nila. At ngayon, ito ang cheapest o pinakamurang Nokia dual-SIM phone sa Pilipinas.
![]() |
| Nokia 101 Dual-SIM Phone Philippines |
Mayroon itong FM Radio, pero hindi lang iyon, kasi meron din itong MP3 player at loudspeaker na para talagang music device. Pwede kang mag-connect ng hanggang sa 16 GB microSD memory card na pwedeng paglagyan ng mga music files.
Maganda rin ang pagkakagawa ng SIM manager ng phone na ito. Ang SIM manager ang nagma-manage sa (mga) SIM card mo kung alin ba ang gagamitin mo sa pagtawag o pag-text. Marami pang features ang SIM manager na ito, kaya subukan mo na lang ang Nokia 101.
Nokia 101 Philippine Price
P1,490.00 pesos lang ang Nokia 101. Mabibili ito sa lahat ng authorized Nokia retail outlet na malapit sa inyong lugar.
Nokia 101 Price Philippines - Php 1,490, Specs, Features | Cheapest Nokia Dual-SIM Phone
